Love life ni Rizal: Noon at Ngayon
Sa buhay ni Dr. Jose Rizal, may siyam na babae na nagbigay kulay sa kanyang buhay. Ang mga babaeng ito ay minahal niya, nagbigay pighati, o di kaya'y humubog sa kanyang mga pananaw at mga ikinilos sakanyang buhay. Sila ay sina Segunda Katigbak , Leonor
Valenzuela , Leonor Rivera , Consuelo Ortiga , O- sei San , Gertrude Beckette ,
Nelly Boustead , Suzanne Jacoby at Josephine Bracken . Atin silang kilalanin, at tignan ano nga bang pagkakapareho nito sa kasalukuyang panahon.
Segunda Katigbak
"Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?"
Maaring ito ang sinabi ni Segunda Katigbak, ang kanyang unang pag-ibig. Sa kasamaang palad , ito ay nakalaan ng ikasal kay Manuel Luz ng makilala niya si Rizal.
Makikita dito na kahit si Rizal ay nabigo din sa kanyang unang pag-ibig, katulad ng pagkabigo ng maraming Filipino sa kanilang unang pagibig. Ngunit hindi dito nagtapos ang kanyang pagmamahal, sumunod ay si Leonor Rivera.

Leonor Valenzuela
Si Leonor Valenzuela ay naging kapit-bahay ni Rizal noong siya ay nanirahan sa bahay ni Doña
Concha Leyva sa Intramuros habang
nag-aaral sa ikalawang taon sa kursong medisina
sa Unibersidad ng Santo Tomas . Si
Rizal ay nanligaw kay Orang, isa sa mga bagay na makapagpapatunay nito ay ang
kanyang mga liham na ipinadala dito. Kakaiba ang mga sulat na ipinadala ni
Rizal kay Orang dahil ang mga ito ay isinulat gamit ang pangkariwang asin at
tubig na mababasa lang kung itatapat o paiinitan gamit ang kandila o
lampara.
Sa kabila ng lahat, walang umusbong na pag-ibig sa dalawang panig. Maaring tawagin itong "M.U." o mutual understanding lamang kagaya ng nangayayri sa karamihan sa kabataan ngayon.
Sa kabila ng lahat, walang umusbong na pag-ibig sa dalawang panig. Maaring tawagin itong "M.U." o mutual understanding lamang kagaya ng nangayayri sa karamihan sa kabataan ngayon.
Leonor Rivera
Ang pagmamahalan ni Leonor Rivera at Rizal ay sadyang wagas
at tunay. Ngunit ito ay sinubok lamang ng pagkakataon. Dahil na rin sa
ideolohiya ni Rizal ay kaya sila nagkalayo at dahil din dito nagkaroon siya ng
imaheng hindi kaaya-aya sa ina ni Leonor, na naging hadlang sa kanilang pag-iibigan. Ngunit sadyang kahanga-hanga pa rin ang ipinakita ng dalawang mag sing
irog sa harap ng problemang kanilang kinaharap. Kahit hindi maganda at masaya
ang wakas ng kanilang pagmamahalan, basta’t alam nila sa kanilang sarili na
lubos ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa.
Ito'y kagaya ng mga napapanuod sa mga teleserye at drama sa telebisyon, mraming hadlang sa kanilang pag-iibigan. Ngunit ang kaibahan, sa kanila'y hindi naging maganda ang katapusan.
Ito'y kagaya ng mga napapanuod sa mga teleserye at drama sa telebisyon, mraming hadlang sa kanilang pag-iibigan. Ngunit ang kaibahan, sa kanila'y hindi naging maganda ang katapusan.
Consuelo Ortiga
Magkakaroon na sana ng isang seryosong pagmamahalan si Rizal at Consuelo, ngunit gusto ni Rizal na manatiling
tapat kay Leonor Rivera at hindi niya nais na sirain ang pagkakaibigan nila ni Eduardo de Lete na noon ay mahal na mahal si Consuelo.
Dito ipinakita na marunong din magpaubaya si Rizal, lalo na't mahalaga sa kanya ang pagkakaibigan.
Dito ipinakita na marunong din magpaubaya si Rizal, lalo na't mahalaga sa kanya ang pagkakaibigan.
O sei San
O sei San , ay babaeng Hapon na nakatulong kay Rizal mapabuti ang kanyang
kaalaman sa wikang Hapon . Ngunit dahil sa misyon ni Rizal na palayain ang bansa, hindi ito nanatili sa Japan at ipinursige ang pagpunta sa Europa.
Masasabing kahit mahal ni Rizal si O sei san, mas mahal niya ang ating bayan. Hindi niya inuna ang sariling nadarama, dahil alam niyang sa mga kamay niya may nakaatang na mas malaking responsibilidad.

Gertrude Beckett
Habang Rizal ay
nasa London, siya ay nakatira sa
bahay ng pamilya Beckett . Dito ay nahulog ang loob ni Gertrude kay Rzail. Ngunit biglang iniwan ni Rizal ang London upang maiwasan si Gertrude , na naging
seryoso sa pag-ibig sa kanya . Bago umaalis, ibinigay niya ang larawang inukit para sa pagpapakita na pinahalagahan niya din kahit papano ang panandalian nialng reasyon.
Si Rizal dito, ay masasabing naglaro lamang at napagtanto na may misyon siyang dapat unahin. Siguro's hindi talaga maaalis sa isang tao na dumaan sa gantong estado-ang maglaro ng apoy.
Si Rizal dito, ay masasabing naglaro lamang at napagtanto na may misyon siyang dapat unahin. Siguro's hindi talaga maaalis sa isang tao na dumaan sa gantong estado-ang maglaro ng apoy.
Nellie Boustead
Ang pag-iibigang Nellie at Rizal naman ay sa kasamaang-palad, hindi nagtapos sa pag-aasawa . Ito ay dahil si Rizal ay tumangging magbago ng pananampalataya patungong Protestante pananampalataya. Kahit ganun ang nangyari, naging mabuting magkaibigan pa rin ang dalawa.
Sa panahon ngayon, maraming naghihiwalay dahil sa magkaibang pananaw. Ang iba nga ay nauuwi sa papapasawalang bisa ng kasal. Sa sitwasyon ni Rizal, kanya ng hindi sinimulan ang pag-iibigan na alam niyang magkakaroon ng malaking problema.

Suzanne Jacoby
Si Rizal ay lumipat sa Brussels dahil sa mataas na gastos ng pamumuhay sa Paris . Siya ay nakitira sa bahay ng magkapatid na Jacoby . Hindi nagtagal ay nag-ibigan si Suzanne at Rizal. Ngunit umalis ulit si Rizal upang ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay. Kahit ganoon, nagpatuloy pa rin si Suzanne sa pagsulat kay Rizal kahit hindi ito tumutugon.
Ang senaryong ito ay nagpapakita ng isang "one-sided love affair". Kahit an ano pa man ang kagustuhan ni Suzanne, wala na siyang nagawa dahil hindi na rin siya gusto ni Rizal. Kagaya ng nangyayari sa mga sawing-palad sa pag-ibig.

Josephine
Bracken
Nakilala ni Rizal si Josephine Bracken sa Dapitan, nang panahon na siya ay ipinatapon doon. Si Josephine na ang kahuli-hulihang babae sa buhay ni Rizal, at marami ding isyu ang kinapalooban ng kanilang relasyon, kagaya ng kanilang pagpapakasal. Gayunpaman, ipinakita ni Josephine na naging tapat siya sa pagmamahalan nila Rizal, pagkat siya ay tumulong din sa pakikilaban sa Espanya pagkatapos mamatay ni Rizal. Ngunit naglaon ay nag-asawa din siya ng iba, maaari na rin dahil sa kailangan din niya ng makaksama sa buhay pagkatapos mamatay ng kanyang ama.
Ipinapakita na ang buhay pag-ibig ni Rizal ay katulad din ng buhay pag-ibig ng panahon ngayon. May kabiguan , pagsubok, paglalaro, at meron din namang wagas.
Ikaw? Ano ang masasabi mo sa mga naging pag-ibig ni Rizal? :)

References:
Image Source: