Lunes, Oktubre 7, 2013

Love life ni Rizal: Noon at Ngayon

          Sa buhay ni Dr. Jose Rizal, may siyam na babae na nagbigay kulay sa kanyang buhay. Ang mga babaeng ito ay minahal niya, nagbigay pighati, o di kaya'y humubog sa kanyang mga pananaw at mga ikinilos sakanyang buhay. Sila ay sina Segunda Katigbak , Leonor Valenzuela , Leonor Rivera , Consuelo Ortiga , O- sei San , Gertrude Beckette , Nelly Boustead , Suzanne Jacoby at Josephine Bracken . Atin silang kilalanin, at tignan ano nga bang pagkakapareho nito sa kasalukuyang panahon.



Segunda Katigbak

             "Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?"

           Maaring ito ang sinabi ni Segunda Katigbak, ang kanyang unang pag-ibig. Sa kasamaang palad , ito ay nakalaan ng ikasal kay Manuel Luz ng makilala niya si Rizal. 
           Makikita dito na kahit si Rizal ay nabigo din sa kanyang unang pag-ibig, katulad ng pagkabigo ng maraming Filipino sa kanilang unang pagibig. Ngunit hindi dito nagtapos ang kanyang pagmamahal, sumunod ay si Leonor Rivera.

Leonor Valenzuela 

       Si Leonor Valenzuela ay naging kapit-bahay ni Rizal noong  siya ay nanirahan sa bahay ni Doña Concha Leyva  sa Intramuros  habang  nag-aaral sa ikalawang taon sa kursong  medisina  sa Unibersidad ng Santo Tomas . Si Rizal ay nanligaw kay Orang, isa sa mga bagay na makapagpapatunay nito ay ang kanyang mga liham na ipinadala dito. Kakaiba ang mga sulat na ipinadala ni Rizal kay Orang dahil ang mga ito ay isinulat gamit ang pangkariwang asin at tubig na mababasa lang kung itatapat o paiinitan gamit ang kandila o lampara.  
        Sa kabila ng lahat, walang umusbong na pag-ibig sa dalawang panig. Maaring tawagin itong "M.U." o mutual understanding lamang kagaya ng nangayayri sa karamihan sa kabataan ngayon.

Leonor Rivera

            Ang pagmamahalan ni Leonor Rivera at Rizal ay sadyang wagas at tunay. Ngunit ito ay sinubok lamang ng pagkakataon. Dahil na rin sa ideolohiya ni Rizal ay kaya sila nagkalayo at dahil din dito nagkaroon siya ng imaheng hindi kaaya-aya sa ina ni Leonor, na naging hadlang sa kanilang pag-iibigan. Ngunit sadyang kahanga-hanga pa rin ang ipinakita ng dalawang mag sing irog sa harap ng problemang kanilang kinaharap. Kahit hindi maganda at masaya ang wakas ng kanilang pagmamahalan, basta’t alam nila sa kanilang sarili na lubos ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa.
           Ito'y kagaya ng mga napapanuod sa mga teleserye at drama sa telebisyon, mraming hadlang sa kanilang pag-iibigan. Ngunit ang kaibahan, sa kanila'y hindi naging maganda ang katapusan.


Consuelo Ortiga

            Magkakaroon na sana ng isang seryosong pagmamahalan si Rizal at Consuelo, ngunit gusto ni Rizal na manatiling tapat kay Leonor Rivera at hindi niya nais na sirain ang  pagkakaibigan nila ni Eduardo de Lete na noon ay mahal na mahal si Consuelo.
            Dito ipinakita na marunong din magpaubaya si Rizal, lalo na't mahalaga sa kanya ang pagkakaibigan.


O sei San

         O sei San , ay babaeng Hapon na nakatulong kay Rizal mapabuti ang kanyang kaalaman sa wikang Hapon . Ngunit dahil sa misyon ni Rizal na palayain ang bansa, hindi ito nanatili sa Japan at ipinursige ang pagpunta sa Europa. 
        Masasabing kahit mahal ni Rizal si O sei san, mas mahal niya ang ating bayan. Hindi niya inuna ang sariling nadarama, dahil alam niyang sa mga kamay niya may nakaatang na mas malaking responsibilidad.

Gertrude Beckett

           Habang Rizal ay nasa London, siya ay nakatira sa bahay ng pamilya Beckett . Dito ay nahulog ang loob ni Gertrude kay Rzail. Ngunit biglang iniwan ni Rizal ang London upang maiwasan si Gertrude , na naging seryoso sa pag-ibig sa kanya . Bago umaalis, ibinigay niya ang larawang inukit para sa pagpapakita na pinahalagahan niya din kahit papano ang panandalian nialng reasyon.
            Si Rizal dito, ay masasabing naglaro lamang at napagtanto na may misyon siyang dapat unahin. Siguro's hindi talaga maaalis sa isang tao na dumaan sa gantong estado-ang maglaro ng apoy.

Nellie Boustead

           Ang pag-iibigang Nellie at Rizal naman ay sa kasamaang-palad, hindi nagtapos sa pag-aasawa . Ito ay dahil si Rizal ay tumangging magbago ng pananampalataya patungong Protestante pananampalataya. Kahit ganun ang nangyari, naging mabuting magkaibigan pa rin ang dalawa.
           Sa panahon ngayon, maraming naghihiwalay dahil sa magkaibang pananaw. Ang iba nga ay nauuwi sa papapasawalang bisa ng kasal. Sa sitwasyon ni Rizal, kanya ng hindi sinimulan ang pag-iibigan na alam niyang magkakaroon ng malaking problema. 

Suzanne Jacoby

            Si Rizal ay lumipat sa Brussels dahil sa mataas na gastos ng pamumuhay sa Paris . Siya ay nakitira sa bahay ng magkapatid na Jacoby . Hindi nagtagal ay nag-ibigan si Suzanne at Rizal. Ngunit umalis ulit si Rizal upang ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay. Kahit ganoon, nagpatuloy pa rin si Suzanne sa pagsulat kay Rizal kahit hindi ito tumutugon. 
           Ang senaryong ito ay nagpapakita ng isang "one-sided love affair". Kahit an ano pa man ang kagustuhan ni Suzanne, wala na siyang nagawa dahil hindi na rin siya gusto ni Rizal. Kagaya ng nangyayari sa mga sawing-palad sa pag-ibig.

Josephine Bracken

           Nakilala ni  Rizal si Josephine Bracken sa Dapitan, nang panahon na siya ay ipinatapon doon. Si Josephine na ang kahuli-hulihang babae sa buhay ni Rizal, at marami ding isyu ang kinapalooban ng kanilang relasyon, kagaya ng kanilang pagpapakasal. Gayunpaman, ipinakita ni Josephine na naging tapat siya sa pagmamahalan nila Rizal, pagkat siya ay tumulong din sa pakikilaban sa Espanya pagkatapos mamatay ni Rizal. Ngunit naglaon ay nag-asawa din siya ng iba, maaari na rin dahil sa kailangan din niya ng makaksama sa buhay pagkatapos mamatay ng kanyang ama.


         Ipinapakita na ang buhay pag-ibig ni Rizal ay katulad din ng buhay pag-ibig ng panahon ngayon. May kabiguan , pagsubok, paglalaro, at meron din namang wagas. 
Ikaw? Ano ang masasabi mo sa mga naging pag-ibig ni Rizal? :)

       



          

References:



Image Source:


1 komento:

  1. Easy "water hack" burns 2 lbs OVERNIGHT

    Over 160 thousand women and men are hacking their diet with a simple and secret "liquids hack" to lose 2lbs each and every night in their sleep.

    It is scientific and works with anybody.

    You can do it yourself by following these easy steps:

    1) Hold a glass and fill it up with water half full

    2) Then learn this proven hack

    and be 2lbs skinnier when you wake up!

    TumugonBurahin